CarZ♥HanX

Havaianas VS Spartan


  Lugar na pinanggalingan:São Paulo, Brazil 


Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino) 

Materyal na ginamit:
 Malupit na goma (high-quality rubber). 

Presyo:
 Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan. 

Mga nagsusuot:
 Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, “Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.”

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging ‘fashionable’ ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy 

Olats na mga katangian:

Mahal!
Mahal!
Mahal! 


Pangalan: Spartan


 


Lugar na Pinanggalingan:

Metro Manila, Philippines 

Pagbigkas:

spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino). 

Materyal na ginamit:
 Pipitsuging goma (Low-quality rubber). 

Presyo:
 Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco. 

Mga nagsusuot:
 ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista) 

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing ‘shield’ kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis ‘cube,’ e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay. 

Olats na mga katangian:

- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas